Thursday, December 29, 2011
2009 2010 2011 post
Hi :D hindiakosimai :)
wala lang gusto ko lang bumisita sa aking awesome blog.
haha nakakatawa parehas parin halos pagsalita ko..medyo haha
asteeeg XD XP hahahahaha nakakatawa =)))))
sayang di ko tinuloy nung higher years sobrang saya talaga basahin
pero sobrang layo narin ng buhay ngayon. haha grabe ang tanda na eh buhuhu

ayun 2nd year college nako. course ko ay BS Electrical Engineering. pangarap ko ata since grade school ay "save the earth from climate change :)" kaya yan tinake ko.

ang hirap naman magcram ng 3 years sa isang post. grabe naeemo ako haha

sobrang daming nangyari. madaming nagbago. pero di parin ako marunong magsulat.
nasa facebook na lahat. ang ikli ng mga post dun haha wala lang. iba parin pala kapag parang diary hohoho

teka sige try natin..

2009- most memorable siguro ay robo. sobrang saya as in seryoso. nakapag hawaii at atlanta ako ng libre dahil kay larry labuyo <3 at ang super saya dun ay kasama ko ang friends ko super swerte talaga. thank you po Lord ngayon ko lang naisip na sobrang gandang oppurtunity yung binigay niyo sakin :D hmm class ko noon naman ay gluon. masaya naman sila. nag try rin kami sumali sa intel pero walang nangyari. pero sobrang fun ng project namin nina adie at marv "construction of a glove controller". gumagana siya pero medyo simple lang pero oks lang cool parin! tapos tumakbo ako ng batch rep. wah nakakaguilty wala ako nagawa noon nakakainis. kasi sa SA lang ako gumawa halos..di ako pumunta sa batch meetings kasi parang ang gulo pero ayun para sa akin di ko nafulfill duties ko noon. wait balik emo..parang tumatanda na ang lahat ng tao haha. di na ganun kababaw mga problema. yung pag asaran parang wala nalang :)) pero generally masaya naman ata ang 2009 woo go team!

2010.. iniwan na namin ang pisay. sobrang saya talaga ng high school. the best days of my life :) nung mga huling days na ng high school sobrang tamad na pumasok tapos yung feeling na "onti nalang sige go nalang" kasi ang dami rin atang requirements noon. medyo nagacads parin ata ako noon eh..wala ako masyadong maalalang mga ginawa namin haha. mehn ok ngayon ko lang narealize na somehow, mas importante yung ibang bagay na hindi acads..well siguro nung high school kasi di naman siya tinitignan masyado pag matanda ka na hahaha ANYWAY balik tayo. so ayun 2010..nag graduate kami. mehn miss ko na pisay :(

pero kelangan magmove on. at naging masaya naman ang pagmove on. karamihan samin ay napunta sa UPD. kaya halos same people parin nakikita mo. hahaha excited pa kami dati mag enlist and enroll. ngayon yun yung pinaka ayaw ko na araw kasi super kapagod talaga. anyway, masaya naman. nung bago enrollment tinour kami ni sir kawashi at kumain kami sa beach house and sa fc. gumawa rin siya ng map hahaha. tapos enrollment. nakilala ko si iam hahahahahaha kabaliktaran ng name ko hohoho super aliw talaga ako friend siya ni proc. tapos first day. first class namin ay english. block section ako tapos andun sina jovick gideon ryan g. haha nakapisay shirt pa ako nun na white. ngayon di na ako nagsusuot kasi madaming ayaw sa pisay :< iniisip nila mayabang aww badtrip yung iba lang naman bibo eh pero ayun life. hahaha mabilis pa maubos pera ko dahil sa kakabili ng merchandise. oks lang sulit naman dahil centennial ng engg :)tapos enggcup! nakalaro ako ng volley and basket yeey! pingpong rin pala kasi walang tao pero talo ako wah.

AS STEPS. dito tumatambay ang pisay 2010. haha naks batch unity. ayun andun lang kami tapos kung tamad pumasok andun lang kami haha. nagfreshie concert rin pala! sandwich wooo. tapos nagtagaytay rin nung december. haha ayun simple lang buhay noon. masaya rin block ko G17 haha dapat nga gagawa pa ng shirt kaso tinamad na. isang block lang ang EE kasi onti namin. 4 babae si lex badet and anne. nagshift out na si lex. tapos si badet umalis tapos bumalik na ngayon yey. si anne naman magshishift 2nd sem 2ndyr aww. so ayun super endangered :)) pero ang saya nagdota kami before chem 16. ay tapos yun pala nasunog yung chem pav nung first o second day ata :)) grabe sinusundan kami ng sunog sa pisay noon hmmm! mababait naman blockmates ko pero di rin masyado nagala haha. pero masaya sa klase ewan :)) aww isa lang chem sa curriculum namin. wala lang nakakalungkot hahaha.

aww nagibang bansa rin yung ibang 2010 kaya medyo sad rin. sina lance athena elvis borgy katrina sor and later on si keziah tan :( pero bumalik sila nung 2011 summer kaya ayun nakapagkwentuhan naman and stuff. tapos yehey dami nagdebut na 2010 kaya woo masaya. ang tatanda pala ng babaeng 2010 kasi usually masmadami nag18 dapat this year 2011 anyway...........

2nd sem 2010. haha sumali ako sa circuit woo 10bdabest. hahaha ang onti namin less than 17 ata yung apps. nagdefer si janiboy yung isang asst. batch head hahaha. ayun nag batch head ako tapos kasama ko sina emil kat aldon iam jovick gorio james rein franz jervz gabby jj ching jigs bj woo yun na ata yun. haha masaya sila kasama. nakakapagod lang medyo mahirap rin pag may pinapagawa na batch thing minsan iilan lang gumagawa. *emo*nakakapagod minsan gusto ko na mag give up pero kelangan nakangiti parin at nagagawa naman kahit papano. nakapag enggweek rin ako kahit papaano! women can't jump 4th place sayang talaga grr. buddy ko pala si che. nakilala ko siya una nung nagsit in kami kina marielle tapos nakausap namin siya ni pate tapos nalaman namin na ece siya. tapos nakita ko siya uli sa enggcup. tapos ayun ckt. hahaha aliw no :)) may utang pa na baller payments yung 10b kelangan ko matandaan hahaha! nawala yung 3k ko huhuhu isipin ko nalang pinangkain ko teka ano pa ba masasabi ko. so ayun masaya maging aplikante haha. binubully ka at laging may ginagawa. ngayon kasi wala rin masyado parang bumait mga mems sayang masaya pa naman hahahahahaha! sabog talent's night namin pero masaya parin flip flop ftw! saya nung practices sobrang sabaw lang. hahahaha haaaaay memories

pero ayun medyo nahirapan na ako ibalance yung oras ko. kasi laking oras rin yung pag apply sa ckt. di ko na masyado nakausap mga tao sa AS. umonti narin yung mga tao kasi nagaapply narin sila sa ibang org. aw medyo naggalit narin si chuck aw. pero bait niya kaya naintindihan parin niya :) ang sama ko forever. meh sana makabawi ako someday!

2011!!!!!!
well yun narin may 2nd sem part na eh..so summer nalang. ayun nagsummer ako ng math 54! sobrang sulit kasi madali teacher ko magpatest. exam namin yung samplex na binigay lololol go teacher :)) tapos nung summer classmate ko si marielle. madalas kumain sa labas at laging kumakain ng cereals kasi masarap. tapos birthday ko rin! 18th ko hahaha dati pag gabi iniisip ko mga detalye ng bday ko. hahaha superdupermegaultrahappybirthday :)) sobrang saya. sa bahay lang ginanap tapos may dj thing si tito amil so awesome. pero sabog yung sounds di naplay lahat kasi walang nagayos ako lang mehn kaya medyo sad rin kasi busy yung family nung time na yun..pero ginawan parin nila ako video hahaha. tapos ayun andun ang aking pisay and ckt friends. nagjakenpoy tournament sila haha. tapos walang gusto magfinals so wala lang yung prize. tapos nagpabitin. galing pala kami sa lucban nung holy week so may mga sombrero at kiping and stuff. teka balik ano pa ba nangyari ayun nag poem yung 18 stuff ko hahaha. medyo weird pala pag ikaw pinaguusapan sa harap ng madami. pero mabait naman mga tao nakinig naman ata sila. sarap ng food may wagyu pa gawa ni ama adik siya sa wagyu hahahaha tapos ako nagdesign nung photobooth frame kasi ayoko ng gawa ng iba wala lang. pero yuuuuun super fun talaga woo daming gifts hahaha. tapos binigyan ako ng super loving friends ko ng skateboard na awesome!! super thanks love you tols >:D< tapos ayun nagovernight yung pisay people tapos nagtournament with commentating sila 2 on 2 champs sina chuck at carlo ata hahaha tapos ayun nag mahjong and karaoke yung iba. di naubos yung pagkain may choco fountain pa haha. pero umuwi lahat ng tao before 9 sobrang gulat ako dun haha. so ayun summer

before summer pala UPFAIR! super fun hahaha. weird lang ng mga tao di masyadong aktibo kaya tuloy kung bibo ka kung anoano siguro iniisip ng iba. pero mehn seryoso dapat hyper pag may concert mga tsong! pero anyway may flying fiesta tapos ang saya pwede ka bumaliktad hohohoho basta extreeemeeeee!

tapos first sem. woo best sem ko in terms of acads hahahaha kung kelan sinabi ko "i'm in it for the learning, not for the grades" hohoho sana magawa ko parin..anyway super gusto ko kasi yung subjects tapos walang ge pero wala ring pe kaya tumaba ako. eee21 eee33 eee34 physics 72 math 55 eee13 panira hahaha. tapos ayun di na kami aplikante new mems na. hahaha kuripot ako sa mps tapos ewan ang sama ko daw kasi pinapasayaw ko sila ng asereje bago magsign. ehhhhh kasama yun para fun naman yung app process at mabring out ang kanilang talent hahaha. anyway may org work na. haha kaya mas masaya maging aplikante di ganun ka seryoso ang kelangan gawin. ayun fin dabest haha. medyo di ganun kaactive yung mems kaya mahirap. tapos nangangapa palang rin ako sa pagmarket. ang lungkot ma turn down aww. pero somehow nakakuha parin ng sponsors yey. pero ayun di nako nakatambay sa AS. ewan parang masnaging comfortable ako sa circuit. tapos ang layo ng AS la naman ako subject dun. kaya ayun may nagawa ako kay chuck na sobrang sama mehn. kaya kinailangan talaga magre evaluate ng buhay. sorry chuck :< mahal kita forever <3 haha so ayun medyo onti lang sembreak ko dahil sa eee34 na sobrang fulfilling kahit ubos sa oras. gumawa kami ng volume detector tapos awesome siya.

ay teka balik tayo sched ko pala ay maganda kasi ang galing ko magenroll. tth 1130 dismissed wf 6 at 530 pero kebs lang haha first time ko mag green form. oh and badtrip laging part sa enrollment ay dost kasi ang hassle kunin ng tcg tas pwede pala cog tapos pwede pala print out ng crs sa kanila. grrr. kaya nung 2nd sem badtrip talaga kasi wala pakong grade sa isang sub kaya hirap ako kumuha ng cog. tapos yun pala pwede printout. owell next time talaga. TAPOS ang daya dapat full scholar kami dahil sa sssg tapos biglang nung 2nd year ginawa kaming merit super nagulat kami lahat di namin inexpect na gagawin nila yun. kasi no idea talaga sa contract mehn. anyway ayun pang title nalang na dost scholar. pero ang hirap talaga yung assessment. kasabawan talaga yun tagal ng pila. hahaha buti this sem naambunan ako ng RA powers ni emil woo so ayun wala lang haha

so sembreak. tapos enrollment. mehn hirap magenroll. kulang ako ng ge kaya boom super ge hunting. una eng 11 tapos wala pala ako kasama kaya artstud1 nakuha namin hahahahahaha awesome prof ko ayoko ilagay name baka lumabas pag nag prof hunting ang mga tao. so ayun sobrang hirap ng sem na to. wala ng math first time ko T___T pero puro math ginagamit sa lahat ng subject. ang hirap mehn applied math tapos halohalo na mahirap na physics tapos eee35 mahirap kasi bago talaga eh. AT TSAKA ES 1 WALA AKONG SKILLZ T____T SA namin ay batchmate ni ate wala lang haha. so ayun nahirapan ako sa first long exam dahil sabaysabay sila nung isang sabado sobrang hirap nilang lahat asar. distracted rin ako kasi late ako umuwi dahil may practice ng awitan (WOOO 2nd kami dun super sayang experience talaga!! GO CKT CHORUS!). pero kinalimutan ko na yun dahil ENGGWEEK MOOOOOOODE! hahaha ang fun woo volleybagan tapos triathlokohan pero aw sayang yung women cant jump pasensyahan pero aw sayang blind volley!. hahaha nag matress stufengg rin sayang though. mehn sayang rin kasi madami pa sana ako gusto salihan. pero ayun pansin ko kulang ng org spirit mga tao. di sila sumasali unless pakiusapan talaga. tsktsk dapat di ganun! pero ayun galing ng mga night events people! ganda nung sayaw talaga nung indakan ibang klase sayang talaga! di nako nakanood ng maski kasi feel ko namamatay nako sa pagod haha. pero ayun naglantern tapos 2010 lang andun sa HQ kaya kami nakakuha ng shirts hehe. tapos xmas party sa bahay namin may billiards at pingpong na yey

so ngayon bakasyon wala ako magawa tapos naisipan kong tignan yung blog ko para hanapin kung kelan first day ng high school hula ko june 13 :)) tapos puro labas lang trinoma shopwise tapos GNO SA EASTWOOD! with adie minnie marielle gaby <3 nagrodeo pa kami ni adie hahaha ang saya nakakahiya pero masaya hahaha sayang yung pics talaga nabura booo. sambokojin <3 pro nako mag jap buffet di na ganun kasama yung feeling like masusuka na and nasulit naman yung food wooo tapos nagpared ako ng bangs ngayon kasi trip ko haha. boo sabii ni chuck nagiba na daw ako..pero matagal ko naman na to pangarap ah! hahaha medyo weird nga tignan pero kasi di ko na magagawa to pag nagtrabaho medyo weird na lalo. so ayun para di ako magsisi weee hirap lang magbihis kelangan bagayan pero weee fun parin!

so ayun medyo malabo buhay ko hahaha. di ko na masyadong iniisip yung future pero sobrang busy parin. dapat enjoy life lang. hahahaha ayoko naman rin maging passive pero ewan malabo talaga. pero sana wala akong makaaway sa future. sana makeep ko yung friendship with people kahit ibaiba na school and courses. ayun medyo mahirap rin kasi nauubusan ng paguusapan. pero masasanay rin siguro haha. sana masaya ang 2012. at sana di pa magunaw ang mundo. naging masaya naman yung mga nakaraang taon. pero feel ko may kulang pa medyo boring pa. or grabe lang ako magexpect. hahaha minsan at that moment feel ko ang awesomeness pero minsan nalilimutan ko rin. mehn sana masaya at di ko malimutan ang mga bagaybagay. hahahaha yun so feel ko masmalabo nako magsulat ngayon.. feel ko rin di ko to babasahin kasi ang haba ng post na to. madami pa akong di nasabi eh pero ayun sana maalala ko parin sa futureee! i<3 pisay2010 tsaka ckt <3 hahaha woo kaya to LEZZGOTEAM!

so ayun enjoy! ingat lagi!! \:D/


express yourself {8:18 AM}


as of..

DUDE!! you're visitor numero

DUDE!! you're one of the

mi modo ^^
My Unkymood Punkymood (Unkymoods)

ako!!
hindi ako si: Mai/Martha Dealino
school:mc, pisay!
gender:Kalahati!
age:13
birthday: may 13

y!m: martha_dealino
windows live: martha_dealino@hotmail.com
gmail: martha.dealino@gmail.com

i'm a rockin' dudette..xP

mga dudes and dudettes
exits
*livejournal ko *ate angel *kuya jadd *adie *mojo *giginarey *charlez* carl *ate carla *marion *kristina *ada *jelo *sir martin *ma'am dacs[bio] *ma'am dacs * *friendster ko *

TAGGY

blahblehblihblohbluh



so yesterdays..

March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2011
January 2012

other stuff
Like-u

emoticons: O.o xD xP X_x TT_TT Z_z \m/ -.-'' :D \(^.^)/
kit kat!!
RED TEA!!
blue!
orange!
G-U-TAR!
ANIME!!!
DETECTIVE CONAN!
Ouran High School Host Club!!!!
hikaru-haruhi-tamaki xP
Shinichi Arima!
ANIMAX!!!

het-u

X_x HOMEWORK X_x

wish-u


Beetle..na yellow..na convertible..na yellow..na may aircon..na yellow..na superduperasteeg..na yellow..xP
ibook/laptop

bagong g-u-tar..electric at acoustic..

pick..ahehe.. [gomen..nawala ko :d]

Pink motorazor!

anime stuff!!!!!!!

thanks to xD
designer | kathleen(:
fonts | dafont
host | imageshack